Monday, September 27, 2010

Tanong sa General Manager ng NHA

Sinabi po ng general manager ng NHA na 45 Mins lang ang biyahe mula sa elliptical rd hanggang montalban.

Ang tanong ko lang po ano po ba ang sinakyan ninyo papunta ng Montalban?

Nasubukan nyo na po bang mag commute?

Alam nyo po ba kung magkano ang pamasahe?

Saturday, September 25, 2010

Thanks P-NOY for the temporary Solution

Kahit tempopary lang po ay malaki na rin po ang pasasalamat ng mga taga sitio san roque sa kasalukuyang pangulo ng pilipinas. Dahil sa pangyayaring ito ay muling bubuksan ang negosasyon tungkol sa paninirahan ng mga taga San Roque. Sana lang po ay mapag-usapan itong mabuti at bigyan ng pagkakataon ang on-site relocation.

Doon naman po sa nagsasabi ng hindi maganda tungkol sa mga taga sitio san roque... Hindi nyo po sila kilala ng personal. Wag ho kayong maghusga. Masasabing may pinag-aralan kayo pero hindi ninyo ginagamit ng tama. may pinag-aralan nga kayo pero wala kayong PUSO.

Maaring maraming butas ang LINA LAW subalit ito ang sandigan ng mga maralitang pilipino. Di ba may kasabihang "those who have LESS IN LIFE should have more in LAW."
.

Tuesday, September 21, 2010

Isang katanungan lang para sa mga taga NHA

Sa pagkakaalam ko hindi na si Balba ang kasalukuyang pinuno ng NHA subalit bakit siya ang nakapirma sa 7 days demolisyon notice ng NHA?

Friday, September 17, 2010

Fate of North Triangle Quezon City Residence

Years of Hunger and Sickness in A one of a kind hell of relocation site.

Away from hospital

The nearest hospital will took you an hour and a half

Away from important establishment

The nearest mall/ market is an hour to travel

Away from livelihood

The NHA did not provide livelihood programs for unemployed residences.

Away from the city

Away from work

Away from School

although there is an elementary and high school, there is none for universities and colleges.

No proper Electricity Facilities

No Proper Water Facilities

Houses are not yet finished

Do you want to lived here? or find another place to stay?

Saturday, July 11, 2009

Stupidity of NHA will make the problem of Informal setlers worst.

Noong Huwebes nagulat na lamang ako ng may kumatok sa bahay namin na nagbibigay ng demolisyon notice. Take Note 7 days notice of demolisyon. Nakalagay sa notice na ang relocation ay sa southville 8 Montalban Rizal. Natanong ko tuloy kung nag-iisip ba talaga ang mga taga NHA? o may isip ba talaga sila? Sana kung ililikas nila ang mga naninirahan hindi lamang para sa mga naninirahan sa North Triangle Quezon City kundi maging sa ibang lugar, na sana inisip muna ng mga taga NHA ang magiging buhay nila.

Ilalagay nila ang mga kawawang residente sa Montalban kung saan bahagi ito ng Earthquake Fault Line at malapit sa Wawa Dam na binaha noong nakaraang taon dahil sa Ondoy. Walang malapit na Ospital at iba pang establishment. Ang pinakamalapit ay ang sementeryo. Sabi nga ng ibang nakalipat na ay malayo sa sibilisasyon at napakamahal ng pamasahe.

Hindi ba naisip ng mga taga NHA na yung mga ililipat nila ay mga minimum wage earners lamang. Yung iba nga ay wala pang minimum ang sahod.

Sabihin na nating sa isang pamilya na may 5 meyembro kung saan 3 ay estudyante ay kayang kumita ng 350.00 kada araw. Mag budget tayo.

Transportation = 150.00
Cubao - Montalban = 75.00
Montalban - Cubao = 75.00

Food = 150.00
1/2 Kilo of Fish = 40.00
Vegetables = 30.00
Rice (2 kilos/day) = 60.00
Bread = 20.00

Educational Expenses = 45.00
15 per student

remaining 5.00
pambayad ng tubig, kuryente at pambili ng ibang gamit.

Grabe kulang na kulang.

Wala ng pambili ng gamot at lalo na pang ospital. Sabagay malayo naman ang ospital doon mas malapit nga ang sementeryo.

Sa tingin ba ng mga taga NHA, may iba pang option ang ilang mga residente kundi maging informal settlers uli. Hay naku sa ginagawa nila uulitin lang nila ang problema.